para sakin, wala pa ring pupuntahan ang isang bagay kung pilit mo lang itong titignan, iimajinin at paulit ulit mo lang babanggitin sa sino mang gustong makinig at pilit na papakinggan. marami nang bagay na nakatakda na sa iyo na dapat dati pa ito nakalugar sa bulsa mo, sa isip mo, sa gawain mo at sa bahay mo. pero dahil sa katamaran, at lack of self-esteem at self motivation, nawawala ito at maghahanap ka nanaman ng panibagong trip at bagong pag kakaabalahan. minsan naman para ka nang tanga na nag pplano pero meron namang ibang tao na maghahadlang sayo dahil iniisip mo na maaari ka nilang pagtawanan at pag tripan lang ang gawa mo na sa isip mo ay isang kahibangan. "paano kasi, sila matagal ng ganto, ganyan.." -- kailangan mo bang sundin ito? kailangan mo bang sundin ang sinasabi ng ibang tao? kelangan mo ba talagang makinig sa mga sinasabi nila. hindi sila angkop sa pag iisip mo lalo na sa pananaw mo. lahat ng gawa: mapa libro, drowing, kalendaryo, pagkain, doodle, grafitti, lahat ng disenyo, lasa, packaging, panunulat, artistiko.... lahat may ibig sabihin.
lahat may kwenta.. dito malalaman kung ano kang klaseng tao.
aaminin ko na hanggang sa ngayon ay di padin ako marunong gumawa ng magandang drowing na nagmula sa sariling kong imahinasyon. di ko alam kung papaano iyon pagaganahin at kung pano ko sisimulan. nakakagawa lang ako ng mga sarili kong gawa sa pamamagitan ng "doodling" at pag vavandal ng mga sarili kong salita sa mga ding ding ng eskwelahan.hindi ako matyaga sa mga kulay at gusto ko matuto nito. mahilig lang ako mag hawak ng bolpen at papel dahil di rin naman ako sanay gumamit ng lapis. namamangha ako pag naglalakad ako dun samay tapat ng uniwide mall dito sa las pinas magaganda talaga ang mga graffitti doon at makukulay. napapaisip ako at namamangha. gusto ko din sana gumawa ng ganon. pero paano? minsan talaga mahirap gumalaw ng wala namang sususporta sayo o wala kang kaibigan na masusundan sa trip mo. napapatawa nalang ako sa isip ko kasi ang gawa ko lang sa tulong ng spray paint ay ang mga putang inang vandal sa kwarto ko; mga katagang "yeah" "dingkar laypi" at "tatoo pakshet" lang ang kaya kong gawin. kaya hanggang ngayon, tinuturuan ko padin ang sarili ko na mapalawak pa ng kahit konti ang mga nalalaman ko.
tuwing pupunta ako ng eksena at may makikita akong mga taong siga kung umasta, mga magagaling na banda, mga taong naka suot ng mga gear, natatakot ako at tutungo nalang, haha nakakatawa.kasi naman, para kang bubugbugin sa mga tingin nila. gusto ko sila batiin ng ngiti dahil yun ang kadalasang kong ginagawa. pero wala naman. yun din ang problema sa iba masyado silang maangas, minsan naisip ko na kulang din sila sa kalawakan ng pag iisip. di lahat ng babatiin mo at ngingitian mo tropa mo.nakakatuwa lang yata kung babatiin mo yung isang tao ng puro kaangasan diba?gamitin mo ang kalawakan ng isip mo di lang sa pagsusulat, pag ddrowing, paghawak ng instrumento at sa pagbabanda, kelangan mo din ito gamitin sa pakikibagay sa ibang tao. dito mo malalaman ang ibat ibang pagiisip ng tao at hindi lang sa mga taong kakilala mo na at kaugali mo kundi sa lahat! haha.. matututo ka nang makisalamuha, matututo ka umintindi at mapgaaralan mo ang ugali ng isang tao.
nung elementarya pa lamang ako, madalas na ko asarin ng mga kaklase ko, dahil sa mga ka abnormalan ng pag iisip ko. madami akong sinasabi na mga imahinasyon, mga konklusyon at sariling paniniwala. madaldal ako dati. ngayon unti unti na nawawala ang kadal dalan ko dahil sa mga kabanda kong humihirit at sinasabayan ang ka pitikan ng isip ko. malaya itong mundo. sabihin mo lahat ng gusto mo, mag kwento ka ng mga kaalaman mo sa ibang mga bata. alam ko ito, dahil nung bata ako mahilig ako talaga makinig sa mga kwento ng matatanda, mapatungkol sa VAT, sa animal testing, sa pag taas ng krudo, mga u.f.o. kahit na mga nangyari sa ikalawang episode ng daimos at kung pano namatay si mighty mouse. lahat pinaniniwalaan ko, dahil lahat ng sinasabi nila, bogus man o hindi, kahit pag-bubugoy lang nila, nakasalamin parin ang lahat ng salitang binibigkas nila sa katauhan na ipinapakita nila. unti unti mong malalaman... unti unti mong maiisip..
mahilig din ako magsulat kahit walang sense o kahit wala talagang kwenta isa rin ito sa paraan ng pagbubulong kung di mo ito kayang ibigkas ng may boses.wala na kong magagawa kung di nagustuhan ng mangbabasa yung mga sinusulat ko kasi di naman kami siguro parehas ng pag iisip. eto lang ang tinuturing kong mga tunay na kaibigan: ang tinta at papel. wala akong pakialam kung puro kabalbalan lang ang nasusulat ko.LOL.kasi di ba kung puro malalalim na mga salita at malalaim na pangungusap ang ginagamit mo,mapaingles man, mapaespanyol, mapatagalog. di lahat ng tao makakaintindi sayo. namumukadkad pa naman ang illiteracy ngayon. mahina ako sa ingles. kaya kong bigkasin, pero hirap ako umintindi. kaya ko intindihin, pero hirap ako magpaliwanag. nasa pilipinas naman ako kaya ok lang.gusto ko din matutunan kung anong isip meron ka at meron sila. may mga nakakasalamuha ako ngayon..napapansin ko.. alam ko na..
::
ubod ng plastik
pasikat
manggagamit
abnormal
nananarantado
two-faced
---sila yung mga taong ayaw ko talaga..lalo na yung mga naniwan sa ere, goodluck.hahah!! sige na tamaan ka nalang.
wag mo isipin ang mga taong hadlang sayo at sa trip mo, wag mo hahayaaang sirain ng mga taong tulad neto^^ ang mga pangarap mo. mag isip ka mabuti, lumipad sa sarili mong hangin. magkwento, makinig,mag sulat, mag teleport at kung anong gusto mo. makakaranas ka ng putang inang magandang pakiramdam laban jan sa mga putang inang aangas angas na yan!!! bwahahahha!!!!